Surprised by Malaw!

From Google Map /temporary

The quest for the search of the History of Malued District began with asking people near my place. Every person that I came up with will say that; " I don't know."  All they say that Malued was a place where there are many "Lawer" (Lao~wer). According to the locals, this plant has many uses. For instance, it can be used as a herbal remedies for its medicinal properties. So based from that, I made a legend for the place. Hope you like it!


Alamat ng Barangay Malued

Noong unang panahon, may isang dalagang nagngangalang Malaw. Siya ay may busilak na puso para sa kanyang kapwa, sa mga hayop at maging sa kalikasan, pinapahalagan niya ang lahat ng may buhay dito sa mundo. Ang mga diwata ay humanga kay Malaw dahil sa kanyang mabuting kalooban kaya’t biniyayaan siya ng kakayahan sa pang-gagamot gamit ang mga halamang gamot bilang gantimpala. Dinarayo siya sa kanyang maliit na kubo na nasa tabing ilog upang magpagamot ang mga may karamdaman at mga nasugatan ng malubha. Ang mga tao sa kanilang pamayanan ay manghang-mangha kay Malaw dahil sa kanyang angking galing.
Isang araw, dumating ang isang grupo ng mga bandido sa kanilang lugar upang magnakaw ng mga kayaman, kunin ang mga alagang hayop, at mangalap ng mga alipin. Ang mga tagapagtanggol ng bayan ay unti-unting naubos at bumagsak, tanging ang mga sugatan na lamang ang mga nanatiling nakatayo. Sumiklab ang mga sunog sa lahat ng dako sa bayan. Ang mga tao ay lumilikas patungo sa katabing bayan upang makatakas sa pagkaalipin sa mga bandido. Si Malaw ay nanatili sa kanyang kubo at handing lumaban kung kinakailangan.
Kinalaunan ay narrating ng mga bandido ang kinaroroonan ng manggagamot. Magiting na lumaban si Malaw at nakapagpatumba ng mga hanay ng mga kalaban bago siya malagutan ng hininga matapos makahanap ng lugar sa kanya likod ang isang pana. Sa pagkakasaksi sa pangyayari, ang mga diawata ay nagngangalit sa sama ng loob dahil na rin sa pagkamatay ng kanilang pinakatatanging si Malaw. Inutusan nila ang ilog na umapaw at magdulot ng baha sa bayan upang parusahan ang mga bandido. Ang ilog ay ani mo’y parang isang malaking ahas na nabuhay. Walang nagawa ang mga bandido kahit sila pa’y magsi-takbo palayo sapagkat mabilis na nalubog sa tubig ang buong bayan, pati na rin ang mga kabahayan at maging ang mga puno ay nasa ilalim ng tubig. Bakas sa mga mukha ng  bawat taong nakaligtas ay takot habang kanilang pinapanood ang pagkasira ng kanilang mga ari-arian habang sila ay lumilikas palayo.
Makalipas ang ilang linggo ay humupa na ang tubig at ang ilog ay nagbalik na sa kanyang normal na pag-agos. Ang mga taong bayan ay nagbalik na sa kanilang lugar ngunit nakapagtataka ang mga napakaraming halaman na ngayon lamang nila nakita. Isang napakaliwanag na bagay ang biglang lumitaw sa kanilang harapan at nagsabi, “Huwag kayong matakot sapagkat ako ang diwata ng kalikasan. Ang halamang nasa inyong harapan ay ang simbolo ni Malaw, ito ay may kakayahang magpagaling ng maraming sakit.” Kung gaano kabilis itong lumitaw ay ganun din ito kabilis na maglaho. Mula noon ay tinawag nila itong lawer mula sa pangalan ni Malaw bilang pagkilala sa dakilang manggagamot at ang kanilang lugar ay tinawag nilang Malawer na ang ibig sabihin ay maraming halamang lawer. Hindi kinalaunan, ang Malawer ay napalitan ng Malued.

Comments

Popular posts from this blog

Our Little Boracay of the North...

The Unexpected and The Unknown

Exploring Bolinao’s Best Kept Secrets